Tagalog news: Antipolo PESO tumutulong sa pagugnay ng jobseekers sa mga trabaho

By Gideon Gapayao

Monday 23rd of July 2012
ANTIPOLO CITY, Rizal, July 23 (PIA) -- Nagsagawa ng local recruitment activity (LRA) ang Public Employment Service Office (PESO) sa iba’t ibang barangay ng Antipolo noong weekend.

Sinabi ni Roger Atim, inhinyero at officer-in-charge ng PESO, na bukod sa araw-araw na LRA sa opisina, nagsasagawa ang kanilang opisina ng mga LRA sa iba’t ibang barangay.

“Maganda naman ang mga nagiging resulta ng aming mga LRA sa barangay at epektibo rin ito lalo na sa mga naghahanap ng trabaho. Salamat sa pakikipagtulungan ng employers katulad ng SM Hypermarket na lagi naming kasama sa mga LRA. Malaking menos din ito sa ating mga kababayan na naroroon na sa barangay na pinagdarausan at nagkakaroon sila ng pagkakataon at oportunidad na makahanap ng trabaho,” sabi ni Atim.

“Gaya nga ng nais mangyari ni Mayor Nilo Leyble sa kanyang nine-point agenda, nais niya na ang lahat ng taga-Antipolo ay magkaroon ng hanapbuhay at mabawasan ang kahirapan. Kasabay din sa patuloy na pag-unlad ng lungsod ay mapaunlad rin ang kabuhayan ng mamamayan,” sabi ni Abulencia.

Sinabi ng PESO na sa isang buwan nilang barangay LRA, tinatayang 70 porsiyento ng mga aplikante ang nakikinabang dito at tuluyang nang nagkaroon ng hanapbuhay. Kabilang sa mga barangay na kanilang napuntahan para sa barangay LRA ang mga barangay ng Dalig, San Jose, San Roque, San Luis, San Isidro, at San Juan. (Antipolo PIO/CPG/GG, PIA-Rizal)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters