Tagalog news: DTI Romblon nagsagawa ng pagsasanay sa fish processing cum production

SANTA MARIA, Romblon, Sept 19 (PIA) -- Tagumpay ang dalawang araw ng pagsasanay hinggil sa pagpoproseso ng isda na pinangunahan ng DTI Romblon para sa mga lokal na mangingisda sa bayan ng Santa Maria, Romblon noong Setyembre 13-14 na ginanap sa tahanan ni Nick Hernandez.

Pinangunahan ito ng mga kawani ng DTI sa ilalim ng Business Development Division sa pamumuno ni Roberto M. Muros, Trade and Industry development specialist at sa pakikipagtulungan ng Tesda-ANTS(Alcantara National Trade School) at lokal na pamahalaan ng Santa Maria kung saan dinaluhan ito ng 32 miyembro ng Santa Maria Local Indigenous Fisherfolks Association (Salifa).

Kabilang naman sa mga nagsilbing trainers at lecturers sina Elna Baldea, Flor Cajilig, Joseph Coching galing sa Alcantara National Trade School na mga experts on meat and fish processing na tumalakay sa makabagong teknolohiya ng tamang paghahanda at pagpoproseso ng mga isda upang gawin itong sardinas o tinapa.

Ayon kay Mary Grace H. Fontelo, PIO, DTI Romblon provincial office, ang lahat ng mga lumahok ay sumailalim sa aktwal na paggawa ng bottled bangus in oil, smoked-fish (tinapa) at dried squids (daing na pusit).

Ang DTI Romblon, aniya, ang naghanda nang lahat ng mga ginamit ng kasangkapan sa naturang pagsasanay gayundin ang mga packaging at labelling materials ay libre ring ipinagkaloob ng nasabing ahensiya.

Dagdag pa ni Fontelo, itinuro sa mga sumali ang mga pamamaraan ng fish packaging at maayos na presentasyon ng kanilang produkto.

Ipinaliwanag rin sa mga ito ang paggawa ng de-kalidad na produkto upang maging mabenta ang mga ito.

Tinalakay rin sa mga kalahok ang mga techniques ng product costing o tamang paglalagay ng presyo sa kanilang paninda.

Natutunan ng mga dumalo kung paano gumawa ng de-kalidad na prinosesong isda (processed fish) at iba pang uri ng produktong galing sa tubig dagat o tubig tabang na maaari nilang gawing negosyo upang mapalago ang kanilang kabuhayan.(LBR/DM/PIA-4B, Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters