Tagalog news: “Gulayan sa Paaralan” inilunsad sa mga eskwelahan sa Romblon

ROMBLON, Romblon, Hulyo 16 (PIA) --- Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ngayong buwan sa lalawigan ng Romblon ang kanilang priority project na “Gulayan sa Paaralan Program” sa pangunguna ng Bureau of Plant Industry (BPI), DA Regional Office IV-B, Agricultural Training Institute IV-B (ATI IV-B) sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), National Nutrition Council (NNC) at Local Government Units.

Ang mga eskwelahan ay magtatalaga ng isang garden area upang pagtaniman ng iba’t-ibang uri ng gulay. Maaari humingi ng mga libreng binhi sa Office of the Municipal Agriculture sa bawat LGUs at ang mga guro naman ang gagabay sa mga estudyante nito sa pangangalaga ng kanilang mga itinanim sa loob ng bakuran ng paaralan.

Layunin ng proyektong ito na hikayatin ang mga magulang at mga kabataan na magtanim ng gulay sa kanilang bakuran at maituro sa mga batang mag-aaral kung anu-ano ang mga sustansiyang naidudulot sa katawan ng araw-araw na pagkain ng gulay. Isinusulong ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay upang mahikayat ang mga batang mag-aaral na kumain nito at maibsan ang malnutrisyon sa hanay ng mga ito.

Inaasahan na magiging matagumpay ang proyektong ito batay na rin sa suportang ipinakikita ng mga guro at magulang sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong lalawigan.(LBR/DM/PIA-IVB/Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters