Tagalog news: Expanded Government Internship Program suportado ng DTI Romblon

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 16 (PIA) -- Pitong katao ang tinanggap ng Department of Trade of Industy (DTI) Romblon na magtrabaho sa kanilang tanggapan bilang pagsuporta sa programa ng pamahalaan na Expanded Government Internship Program upang makapagbigay ng trabaho sa mga Romblomanon.

Sinabi ng DTI Romblon na dalawang buwang magtatrabaho sa kanilang ahensiya ang pitong indibidwal simula Hunyo 18 hanggang Agosto 16, 2012 at tatanggap ng arawang sahod na P252. Ang mga ito umano ay nakapagtapos na ng pag-aaral subalit wala pang mga trabaho kaya isang magandang oportunidad sa mga kabataang ito na sila’y natanggap upang magamit ang kanilang napag-aralan.

Pinangalanan ng DTI - Romblon ang mga ito at kung saang bayan sila itinalaga upang magsagawa ng price monitoring at ilan pang gawain: Raymond T. Falogme, San Agustin, Romblon; Shela F. Fortaleza at Marian U. Mercado, Odiongan, Romblon; Krizzia G. Gallos, Looc at Alcantara, Romblon; Ron Mark P. Madrona at Silver M. Montojo, Romblon, Romblon; John Francis M. Ornum, San Andres at Calatrava, Romblon.

Ikinatuwa ito ng mga napagkalooban ng trabaho dahil nabigyan sila ng pagkakataon upang makapagtrabaho para kumita at kahit papaano ay makatulong sa mga magulang nila sa gastusin sa kanilang tahanan.(LBR/DM/PIA-IVB/Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters