Tagalog news: Hulyo, ipinagdiriwang ng PNP bilang Police Community Relations Month

By Dinnes Manzo

Friday 6th of July 2012
ROMBLON, Romblon, Hulyo 6 (PIA) -- Ipinagdiriwang ngayon ng Philippine National Police (PNP) Romblon ang Hulyo bilang Police Community Relations Month.

Nasa ika-17 taon na ito at may temang: “Mamamayan at Kapulisan: Patuloy ang ugnayan sa higit na ligtas, mapayapa at maulad na pamayanan.”

Ayon kay PInsp. Rodelio S. Famero, public information officer (PIO) ng Romblon provincial police office, nakatakda silang magsagawa ng mga programa sa mga susunod na araw upang mas maging malapit at may tuwirang ugnayan ang mga mamamayan sa mga kapulisan.

Bibisita aniya ang labimpitong municipal police stations ng buong lalawigan sa mga paaralan upang magsagawa ng lecture tungkol sa “crime prevention awareness,” magtuturo sa mga kabataan sa pag-iwas sa mga ipinagbabawal na gamot at magbigay rin ng mga safety tips kapag may kalamidad.

Magsasagawa rin ani umano ng Education Symposium sa mga paaralan upang magkaroon ng talakayan at malayang makapagtanong sa PNP personnel kung ano ang tungkulin ng bawat mamamayan upang sila’y makatuwang ng awtoridad sa pagsugpo ng krimen sa kanilang komunidad.

Bago magtapos ang buwang ito, magsasagawa rin ang PNP Romblon ng “friendly games” o paglalaro sa pagitan ng PNP at mamamayan. Nakatakda aniyang magpulong ang matataas na opisyal sa kanilang hanay upang pag-usapan ang pampremyong ilalaan sa palarong gagawin.(LBR/DM/PIA-IVB/Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters