Tagalog news: Botika ng Barangay pinalalakas sa lalawigan ng Romblon

By Dinnes Manzo

Thursday 14th of June 2012
ROMBLON, Romblon, Hunyo 14 (PIA) -- Nagsasagawa ng evaluation, monitoring at monthly inventory ang Department of Health (DOH) sa lahat ng “Botika ng Barangay” operators sa buong lalawigan upang makatulong sa mga ka-baranggay

Ayon kay Mary Claire Agustin, supervising pharmacist, matagal na umano ang programang ito ng pamahalaan kung saan ang mga nasa malalayong baranggay ay maaaring makabili ng abot-kayang gamot sa botikang nakabase sa kanilang pamayanan.

Ang pondong ipinambili umano sa mga gamot na ibinebenta sa mga BNB ay galing sa DOH na umaabot ng halos P25,000 bawat isa o mas mababa ng bahagya, depende sa laki ng populasyon sa isang komunidad. Prayoridad umano ang mga nasa liblib na barangay dahil malayo sila sa ospital at sila ang mas nangangailangan ng gamot kapag nagkakasakit.

Nag-iikot si Agustin sa lahat ng mga baranggay sa buong probinsiya upang palakasin ang programang ito ng pamahalaan para matulungan ang mga maralitang nagkakasakit at maibangon muli ang mga inactive ng botika. Tinuturuan din nito ang mga namamahala kung paano ang pagrerecord ng kanilang mga kinikita gayundin ng tamang pag-imbentaryo ng mga gamot upang maireport din ng mga BNB operator sa kanilang ahensiya. (LBR/DM/PIA-IVB/Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters