Tagalog news: Fish Examiner’s Training isinasagawa ng BFAR sa Romblon

By Dinnes Manzo

Thursday 14th of June 2012
ROMBLON, Romblon, Hunyo 14 (PIA) -- Nagsimula noong Hunyo 11 ang Fish Examiner’s Training ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR Regional Office IV-B) na magtatapos sa darating na Miyerkules, Hunyo 20, sa Dream Paradise Mountain Resort, Brgy. Mapula, sa lalawigang ito.

Ang mga kalahok sa pagsasanay na ito ay itatalagang mga Deputized Fish Warden and Fish Examiner.

Ayon kay BFAR IV-B Assistant Regional Director Rolando C. Miranda, layunin ng pagsasanay na ito na matutunan ng mga partisipante ang pagsusuri sa mga isda kung ito ba ay nahulli sa pamamagitan ng dinamita, cyanide, at iba pang uri ng nakakalasong kemikal na ginagamit sa ilegal ng panghuhuli ng isda.

Dagdag pa ni Miranda, katuwang nila ang lokal na pamahalaan ng Romblon sa proyektong ito. Ang 25 kalahok mula sa 17 na munisipyo ng lalawigan ay maaari nang magpatupad ng kanilang natutunan matapos ang training na ito sa kani-kanilang mga lugar.

Ang mga paksa sa Fish Examiner’s Training Course ay ang mga sumusunod: Overview of Fisheries Management, Coastal Ecosystem and the Need for Fisheries Management, Illegal Fishing Practices and their Harmful Effects na tatalakayin ni Mercedita A. Tan, at ibabahagi naman ni Otelio G. Cangson ang isang Situationer patungkol sa “Status of Illegal Fishing in the Philippines.”

Pagtutulungan namang ibahagi nina Atty. Demosthenes R. Escoto at Atty. Charlie Alcareño ang kanilang kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa pangisdaan sa ating bansa, kaugnay rito ang mga sumusunod na paksa: Relevant Provision of R.A. 7160 to Fisheries, Applicable Provisions of R.A. 8550, Prohibition and Penalties, Fisheries Administrative (FAO) No. 206, Criminal Procedures, Stages of Litigation, Rules on Arrest, Search and Seizure including Rules of Engagement, Procedural Aspect of Filling Illegal Fishing Cases in Court (Preparation of Complaints, Preparation of Affidavits, Evidences and Exhibits, & Use of Forms).

Si Ma. Salome M. Mortel naman ang magbabahagi ng patungkol sa Technical Aspect sa training course gaya ng Basic Fish Anatomy at Basic Fish Taxonomy at pagtapos ay magsasagawa ng workshop sa mga kalahok. Samantala si Andy Menguito ang magsasalita at magbabahagi ng kanyang kasanayan hinggil sa Scientific Examination of Fish Caught by Means of Explosive (External Manifestations of Dynamited Fish, Internal Manifestation of Dynamited Fish, Characteristics of a Dynamited and Normally Caught Fish, Fishes Most Commonly Caught by Means of Explosives, Dissecting Fish Samples in Proper Position, & Preparation of Preservative Solution).

Sa huling araw ng nabanggit na training ay pag-uusapan at ituturo ni Dr. Merian C. Mani ng Romblon State University, ang tungkol sa Value Enhancement for Fish Examiners at ipagpapatuloy ng BFAR IV-B Personnel ang pagtalakay sa Roles and Duties of Deputized Fish Warden and Fish Examiners, Grounds for Revocation of Authority as Deputized Fish Warden and Fish Examiner. Kasunod nito ang isang on-the-spot practicum sa mga partisipante kung saan sila ay isasama ng mga resources speaker at secretariat sa bilihan ng isda at fish landings upang isagawa ang aktwal na pagsusuri sa mga isda kung ito ba ay normal na nahuli o kung ito ba ay galing sa ilegal na pamamaraan ng pangingisda.

Dumalo sa mga nabanggit na training si BFAR National Director Atty. Asis G. Perez, gayundin ang mga kawani ng BFAR Regional Office IV-B sa pangunguna ni OIC Regional Director Emmanuel H. Asis, Assistant Regional Director Rolando C. Miranda, OIC-FRMD Marvin B. Rañada, at BFAR Quick Response Team Chief Andy Menguito.

Dumalo rin sa hanay ng lokal na pamahalaan sina Dr. Eduardo C. Firmalo, Romblon Provincial Governor at Atty. Gerard S. Montojo, Romblon Municipal Mayor.

Inaasahan ng BFAR na pagkatapos ng training na ito ay makakadagdag sa bilang ng makakatulong sa kanilang ahensiya ang mga bagong fish examiners na sumailalim sa pagsasanay upang sumuri sa mga nahuhuling isda sa kani-kanilang munisipalidad. Makakatuwang din nila ang mga fish examiners na ito sa agarang pagsuri at pagtukoy kung may mga illegal pa ring nangingisda sa kanilang lugar upang agad na maireport sa kanilang tanggapan at awtoridad. (LBR/DM/TBO-PIA4B Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters