Tagalog News: DA naglaan ng 40 small farm reservoir para sa mga magsasaka

By Dinnes Manzo

Monday 4th of June 2012
ROMBLON, Romblon, Hunyo 4 (PIA) -- Bilang suporta sa Rice Program ng ating pamahalaan,tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nakapaglaan na ang kanilang ahensiya ng 40 yunit ng Small Farm Reservoir (SFR) na may katumbas na halagang P1,600,000.

Batay sa ipinadalang impormasyon ni Dr. Silvino Q. Tejada, CESO III, DA Director, sa tanggapan ni Cong. Budoy F. Madrona, nagkaroon umano ng Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng kanilang ahensiya at Municipal Local Government Unit (MLGU) upang maisakatuparan ang implementasyon ng naturang proyekto.

Kabilang sa mga munisipyong makikinabang sa nabanggit na programa ay ang Odiongan, Looc, Alcantara, at Calatrava.

Bawat bayan umano ay tatanggap ng tig-10 SFR na nagkakahalaga ng P400,000 ang kabuuan.

Ang proyektong ito ay pamamahalaan nina Mayor Balatazar “Boy” Firmalo ng Odiongan, Mayor Leila Arboleda ng Looc, Mayor Eddie Lota ng Alcantara, at Mayor Robert “Bong” Fabella ng Calatrava.

Ayon sa mga mayor, makakatulong ng malaki ang naturang proyekto sa mga maliliit na magsasaka sa lalawigan ng Romblon upang mapaunlad o tumaas ang produksiyon ng kanilang pagsasaka at mapaangat ang kabuhayan ng mga ito.(TBO/DM-PIA 4B, Romblon)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters