Tagalog news: 122 baby pawikan pinakawalan sa Calatrava, Romblon

By Dinnes Manzo

Friday 11th of May 2012
CALATRAVA, Romblon, Mayo 11 (PIA) -- Noong Mayo 6, 122 baby pawikan ang pinakawalan sa Brgy. San Roque, Calatrava, Romblon.

Ayon kay Edgar Orencio, community organizer ng SIKAT Inc., hawks bill sea turtle umano ang uri ng mga inakay ng pawikan na natagpuan at kanilang pinakawalan sa dalampasigan.

Pinangangalagaan umano ng lokal na pamahalaan ng Calatrava, Romblon ang mga endangered species upang malayang makapamuhay ang mga ito, hayaang makapagparami ng lahi, maipagmalaki na buhay ang mga ito dahil kailangan sila sa sikulo (cycle) ng eco-system.

Dagdag pa ni Orencio, dapat nating pangalagaan ang lahat ng mga endangered species upang di ito maubos o tuluyang maglaho dahil kakaunti na lamang ang mga uri nito na nabubuhay sa ngayon.

Kabilang diumano sa mga dumalo sa nabanggit na event sina Mayor Robert F, Fabella ng Calatrava, Noel F. Falcutila, Municipal Agriculture Officer, Municipal Councilor Sabriza Villafuerte, Guzman F. Fetalcurin, Executive Assistant, Gladies Frogosa, Escape Foundation, Barangay Council ng San Roque, Calatrava, San Roque United Group of Fishers Association Inc. (SUGA Inc.) at mga mamamayan sa naturang baranggay.(DM/PIA-IVB/Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters