Tagalog news: disaster council plans ng Tabuk pinapatupad
TABUK CITY, Kalinga, July 19 (PIA) -- Unti-unting ipinapatupad ang mga Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Plan ng pamahalaang lungsod ng Tabuk na sinimulan sa pagbili ng mga kagamitan sa rescue operations at pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga pangunahing responders sa lungsod.
Ito ang inihayag ni City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRM) Coordinator Freddie Adop sa isang panayam.
Ani Adop sa taong ito, may panukalang P2 milyon ang CDRRMC para sa pagbili ng iba pang rescue equipments at mga sasakyan na gagamitin ng CDRRMC. Sa kasalukuyan, meron ng dalawang dump truck, isang rubber boat, at ambulansya ang lalawigan.
Nagkaroon rin ng pagsasanay ang mga city responders at volunteers ng lungsod at nagsanay rin ang mga rescue teams ng pitong pangunahing barangay ng lungsod sa basic Life support (BLS).
Kamakailan lamang sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan at Office of Civil Defense (OCD) regional office, naisakatuparan ang isang linggong pagsasanay sa Water Search and Rescue. And mga lumahok ay composite team ng mga pulis, bumbero, at mga empleyado ng pamahalaang lungsod.
Ang pagsasanay ay bahagi ng paggunita sa National Disaster Consciousness Month na may temang “Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan.”
Sabi ni Adop magiging isang malaking tulong ang pagsasanay lalo na sa mga nakatira sa mga binabahang lugar malapit sa Chico River. Ayon sa kanya, halos lahat ng mga naging biktima ng bagyo sa lalawigan ay dahil sa pagkalunod.
Ayon kay Adop, mas mainam pa rin na nangunguna sa paghahanda ang kada-pamilya kaya’t kailangan rin nilang malaman ang mga dapat gawin na maging handa palagi at maging maagap upang maka-iwas sa kapahamakan. (GGD-PIA CAR, Kalinga)
Number of Comments: 0