Tagalog news: DOTC, nakatakdang magsagawa ng pag-aaral ukol sa isang pier sa OccMin
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Agosto 1 (PIA) -- Isang survey team mula sa Department of Transportation and Communication (DOTC) ang dumating upang magsagawa ng isang panibagong pag-aaral sa bagong pantalan na mas kilala sa tawag na Caminawit Point.
Ito ay bilang tugon sa mga hinaing ng mga mangangalakal na gumagamit ng malalaking sasakyan katulad ng mga 10-wheeler trucks na naghahatid ng mga produkto sa pantalan. Lubhang maliit ang kasalukuyang daan na ginagamit nila sa kasalukuyan.
Sabi ni governor Josephine Sato, punong lalawigan ng Occidental Mindoro, nakipag-ugnayan sila kay DOTC Secretary Mar Roxas upang makalikom ng pondo para sa pagpapatayo ng two-way coastal road na may lawak na siyam na metro.
Naghanda ng P110 milyon ang DOTC bilang tugon sa proyektong ito.
Inaasahan naman na matatapos ng survey team ang pagkalap nila ng mga kailangan nilang data para sa naturang proyekto sa lalong madaling panahon. (LBR/VND-PIA4B, Occidental Mindoro)
Number of Comments: 0