Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment

By Dennis M. Manzo

Monday 30th of January 2012

ROMBLON, Romblon, Enero 30 (PIA) -- Matagumpay na ipinatupad ng Department of Education Division’s Office sa 216 na elementary schools sa buong lalawigan ng Romblon ang nationwide early enrollment noong Sabado, para sa mga papasok na estudyante ng Kinder at Grade I sa darating na Hunyo.

 

Ayon kay Schools Division Superintendent Eve F. Fajutag, layunin ng programang ito ang mas maagang matiyak ang bilang ng mga bagong mag-aaral upang mapaghandaan ang kakailanganing pasilidad at kagamitan sa bawat eskwelahan.

 

Walang anumang bayarin at tanging sertipiko ng kapanganakan diumano ang kailangan sa pagpapatala sa mga bata.

 

Ayon sa mga magulang ng mga batang nag-enrol, mas maigi nga diumano ang ganitong programa ng DEPED dahil di na sila magagahol sa oras at magkukumahog pagdating ng panahon ng pasukan. (DM/PIA-IVB/Romblon)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters