Tagalog News: Provincial Treasurer's Office, naglagay ng sub-office sa Coron

By Orlan C. Jabagat

Wednesday 25th of January 2012

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 25 (PIA) --- Naglagay ng sub-office ang tanggapan ng ingat yaman ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Coron upang mapabilis ang mga pinansiyal na transaksyon ng mga mamamayan sa nasabing lugar.

 

Ang pagtatalaga ng tanggapan sa nasabing bayan ay upang maisaayos, mapalakas at mas maging epektibo ang pangongolekta ng mga bayarin at pagpapasahod sa mga kawani ng Calauit Safari Park na ngayon ay nasa ilalim na ng pangangasiwa ng pamahalaang panlalawigan.

 

Ayon sa ingat yaman na si Elino Mondragon, pangangasiwaan ng kanilang tanggapan ang pangongolekta ng mga bayarin na manggagaling sa upa sa mga puwesto sa Resto Lane na bahagi ng Coron Development Project.

 

Maaari na rin magtungo sa extension office ang mga mamamayan sa karatig na mga munisipyo tulad ng Busuanga, Culion at Linapacan upang magbayad ng kanilang bayarin sa pamahalaang panlalawigan, dagdag ni Mondragon.

 

Si Felicidad P. Venturillo, Administrative Assistant II, ang tumatayong Caretaker ng Provincial Treasurer Sub-Office sa bayan ng Coron. (LBR/OCJ/PIA-4B)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters