Tagalog news: Agusan del Sur isasalin ang bagong gusali sa prov'l Red Cross

By David M. Suyao

Wednesday 6th of June 2012
AGUSAN DEL SUR, Hunyo 6 (PIA) -- Isasalin ng pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur (PGAS) ang bagong gusali ng Philippine Red Cross, Agusan del Sur (PRC-AdS) Chapter sa darating na Hunyo 10, pagkatapos na ito ay maisalin ng kontratista sa PGAS.

Ang bagong gusali na may sukat ang sahig na 134.17 sq. meters at nagkahalaga ng P7 milyon kasali na ang pag abono ng lote na may sukat ding 2,000 sq. m. ay donasyon din ng panlalawigan pamahalaan sa PRC-AdS na siyang ipinalit sa dati nilang lote at gusali na siya naman ngayong pinatatayuan ng dagdag na gusali ng D. O. Plaza Memorial Hospital.

Kasabay ng okasyong binanggit sa itaas, ang chairman at chief executive officer ng Philippine Red Cross na si Richard Gordon at ang secretary general na si Gwendolyn Pang, kasama si Agusan del Sur Gob. Adolph Edward Plaza ay magsasalin din ng mga light rescue materials na nagkakahalaga ng kalahating milyon pesos sa mga boluntaryo ng Red Cross 143 sa mga napiling lugar sa mga bayan ng Esperanza at Bunawan.

"Ang mga light rescue materials na binubuo ng mga gomang botas, kapote, flash light, megaphones, radyo, first aid kit na may lamang supplies, palakol at marami pang iba na ang pondo ay galing sa kagandahang-loob ng Netherlands Red Cross ay lubhang mahalaga sa ating lalawigan dahil alam nating lahat na magagamit ang lahat ng iyon pag bumaha at ito ay madalas mangyari ditto sa ating lalawigan,” sabi ni PRC-AdS administrator Cristyll Basan.

Sinabi rin ni Basan na malaki ang pasasalamat ng PRC-AdS at buong ipinagmamalaki ang mga suporta na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa buong panahong inilagi ng PRC sa lalawigan. Bilang ganti, dahil sa mga tulong na iyon, buong pusong pinagmalaki rin ni Basan ang mga parangal na natanggap ng PRC-AdS kasama ang mga miyembro at opisyales ng board at ang pinaka bago rito ay yung natanggap noong Disyembre, 2011, na kumikilala sa PRC-AdS sa kanyang walang kapalit ng kontribusyon na sa pagtaas ng mga nagboluntaryong magbigay ng dugo mula 80 persyento papuntang 100 porsyento sa pamamagitan ng mobile blood donation. Ang pangalawang parangal ay tinanggap ni Basan mga tatlong lingo pa lamang ang lumipas na naglalaman ng “surpassing all expectation and overachieving its fund campaign targets for the year 2011."

Bawat taon, ang PGAS ay nagtatabi ng badyet sa halagang P2.5 milyon para sa mga re-agents sa programa ng dugo, siyang bumili ng blood refrigerator na nagkahalaga ng P450, 000. Ang PGAS din ang nagbayad ng kalahati ng presyo ng ambulansiya na nagkahalaga ng P1.8 milyon na binayaran para sa kalahati ang presyo ng isang ambulansiya na mayisang kabuuang gastos ng P1.8 milyon, maliban pa sa pagtalaga ng tauhan sa tanggapan ng Red Cross. (DMS - PIA-Agusan del Sur)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters