Tagalog news: Mahigit 400 mag-aaral sa Agusan del Sur nabenipisyo ng SPES ngayong taon

By David M. Suyao

Thursday 10th of May 2012
AGUSAN DEL SUR, Mayo 10 (PIA) -- Ang pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur ay naglaan ng mahigit-kumulang kalahating milyong piso ngayong bakasyon upang mabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong kumita.

Samantala, ang Department of Labor and Employment (DOLE) naman ay nagbahagi ng P320,000 para makumpleto ang arawang sahod ng mga estudyanteng naging benipisyaryo ng special program for employment of students (SPES).

Ayon kay Provincial Employment Service Officer Divina Lagumbay, ang benipisyaryo ng SPES ay hinati sa dalawang grupo, kung saan ang unang grupo ay nagbigay ng serbisyo noong Abril 24 at nagtapos noong Abril 29, 2012, at ang ikalawang grupo naman ay nagsimula na noong Mayo 7, at magtatapos naman ngayong Hunyo 1, para pumasok uli sa unang semester ng pasukan sa taong 2012-2013.

“Hindi tulad ng mga nagdaang taon kung saan halos lahat ng natanggap sa SPES ay naitalaga sa iba’t-ibang tanggapan, gaya ng agriculture office, provincial planning at development office, budget office, at iba pang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, sila (ang mga natanggap sa SPES) ay kasalukuyang naatasan bilang maging preliminary enumerators para sa pangangalap ng mga datos, upang ang mga masasali sa survey ay maging pamilyar sa mga katanungan at porma kung sila ay nasa aktwal nang pagsusurvey,” sabi ni Lagumbay.

Ang survey na isasagawa ng pamahalaang panlalawigan ay para maihanda at maitama ang mga datos ng Community Based Management System (CBMS) ng lalawigan na siyang ginagawang basehan ng paggawa ng plano at budgeting para sa darating na mga taon.

“Pero hindi lamang ang panlalawigang pamahalaan ang nagbibigay ng prebilihiyong SPES sa mga estudyante kundi pati narin ang 13 mga bayan sa Agusan del Sur at ang nag-iisang lungsod ng Bayugan, ngunit tig kakaunti lamang, depende sa kaya ng kanilang pinansyal na kalagayan,” sabi ni Lagumbay.

Ang SPES ay nagsimula ilang taon na ang nakalipas, kung saan ang mga nasa sekondarya at kolehiyo ay binigyan ng oportunidad ng gobyerno upang kumita habang nag babakasyon. (RER/DMS-PIA13)
Tags:   [ SPES ][ CBMS ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters