Tagalog news: CSC magsasagawa ng sunod-sunod na seminar sa buwan ng Agosto

By Danilo S. Makiling

Monday 13th of August 2012
BUTUAN CITY, Agosto 13 (PIA) -- Pangungunahan ng Civil Service Commission (CSC) ang sunod-sunod na seminar para sa supervisory development course (Module 1) enhancing personal effectiveness ngayong Agosto 16 hanggang 17 at revised rules on administrative cases in the civil service (RRACCS) na gaganapin naman ngayong Agosto 23 hanggang 24 sa CSC Human Resource Development Center, Doongan Road, sa lungsod na ito.

Ayon kay CSC-Caraga Regional Director Adams Torres, ang unang seminar ay inihanda para sa mga division chiefs at mga opisyales na siyang gumagawa ng critical mass sa operasyon ng kanilang mga plano at programa sa kani-kanilang mga organisasyon.

Aniya, ang seminar ay magbibigay ng kaalaman sa mga partisipante sa managerial supervision at administrative skills at techniques.

Idinagdag din ni Torress na ang pangalawang seminar (RRACCS) ay inihanda upang madagdagan ang pagiging epektibo ng mga partisipante sa pagbibigay ng administrative justice sa kanilang ahensya; paglalagay ng panibagong alitun-tunin (RRACCS) sa parihong disciplinary at non-disciplinary cases na ilalagak sa ahensya; pag-unawa at pagbibigay halaga sa procedural guidelines na siyang namamahala sa disposition ng civil service cases.

Ang registration fee para sa unang seminar ay P2, 500 kasama dito ang lunch/snack at training kit samantala, ang RRACCS ay P2,700 kasama narin ang lunch/snack at training kit.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang magpunta sa CSC-Caraga regional office o maaari din silang tumawag sa mga sumusunod na numero: (085) 225-6097 0 342-6089. (RER/DSM, PIA-Caraga)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters