Tagalog news: Lokal na pamahalaan dapat nangunguna laban sa kalamidad ayon sa Pangulo

MANILA, Agosto 9 (PIA) -- Binigyan diin ni Pangulong Aquino ang papel ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa publiko sa panahon ng kalamidad kagaya ng pagbaha.

“Alam niyo po napakalaking bagay kapag merong ganitong mga trahedya, malaking bagay ang lokal na pamahalaan,” ani Pangulo Aquino.

“Siyempre sila ang unang nasa lugar, sila ang unang reresponde,” dagdag ng Pangulo.

Pinuri naman ng Pangulo si Quezon City Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at Representative Winston Castelo dahil sa mabilis na aksyon na kanilang ginawa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng pagbaha.

“May kapanatagan ang loob namin na inaasikaso nila ang ating mga kababayan,” anang Pangulo. (RER/NCLM/PIA-Caraga)



Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters