Tagalog news: Pamahalaan, pinalakas ang ugnayan sa media sa mabisang balita sa panahon ng kalamidad
BUTUAN CITY, Agosto 1 (PIA) -- Ang pamahalaan ay nagpapatuloy sa pagpapalakas ng kanilang ugnayan sa media upang mabigyan ng malawakang impormasyon ang publiko sa panahon ng kalamidad.
“Ang media ay matagal at palagian na nating kasama sa paghahatid ng impormasyon sa publiko. At ang pamahalaan ay binibigyan naman nang kahalagahan ang papel ng media sa panahon ng kalamidad. Tayo po’y aasa sa ating kasamahan sa media upang masiguro na mayroong patuloy at may credible stream of advice, guidance, at impormasyon upang siguruhin ang kaligtasan ng publiko,” ani Deputy Presidential spokeperson Abigail Valte.
Dahil sa paglago ng social media, ang pamahalaang Aquino ay patuloy na pinauunlad ang information models na ginamit noong nakaraang kalamidad, kagaya ng paghahanda sa tsunami surges, storms, at iba pang weather disturbance.
Dahil narin sa palagiang presensiya ng pamahalaan sa social networking, na tuwirang umuugnay sa publiko at media institutions, dito maaaring magpost ang pamahalaan ng real-time updates at tamang balita na muli namang inihahatid ng mga broadcast outfits, aniya.
(RER/DSM-PIA Caraga)
Number of Comments: 0