Tagalog news: Mga manggagawa sa TESDA-13 sumailalim sa pagsasanay sa basic photography at news writing

By Danilo S. Makiling

Wednesday 1st of August 2012
BUTUAN CITY, Agosto 1 (PIA) -- Sumailalim kamakailan ang mga hepe ng Technical Education and Skills Authority (Tesda) sa isang araw ng pagsasanay sa basic photography at news writing.

Ang pasasanay ay isinagawa kasabay ng mid-year assessment ng ahensya sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ang photographer na si Clint Cañete ng Agusan del Norte ang nanguna sa pagsasanay sa basic concepts ng photography, photo journalism, at composition.

Si Nora Molde, information officer ng Philippine Information Agency (PIA), ay nagbahagi naman ng kanyang kaalaman sa basic news writing, samantalang si Robert Roperos, regional operations chief ng PIA naay nagbahagi rin ng kaniyang kaalaman hinggil sa mga istorya na dapat i-cover ng mga information officers ng pamahalaan, pati na ang pagko-communicate sa Philippine Development Plan.

Binigyang diin din ni Molde ang importansya ng mga information officers sa pagkakaroon ng kaalaman sa news writing.

Aniya, ang pinaka importanteng sangkap sa paggawa ng balita ay ang paglalagay ng mahalagang kaganapan sa kanilang mga istorya hinggil sa mga aktibidad ng kanilang ahensya.

Ipinaliwanag naman ni Roperos ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng mga balita. Aniya, ang information officers ay kailangang gumawa ng mga developmental news.

Hinikayat naman ni Edwin Gatinao, Tesda-Caraga regional director, ang mga gumagawa ng mga balita base sa mga programa ng ahensya.

Hinimok din nito ang mga partisipante ng naturang pagsasanay na gumawa ng artikulo at mga larawan at ibahagi ito sa PIA-Caraga na ilalathala naman sa PIA website, PIA-Caraga blogspot, PIA Caraga Updates FaceBook account, at One Mindanao electronic newsmagazine. (RER/DSM-PIA 13 Caraga)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters