Tagalog news: DSWD, DILG namigay ng death benefits sa mga kamag-anak ng mga hikahos na mga senior citizens

By Danilo S. Makiling

Wednesday 11th of July 2012
BUTUAN CITY, Hulyo 11 (PIA) -- Bilang suporta sa pagpapaunlad ng mga senior citizens, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay lumagda sa isang joint memorandum circular para sa pagsasagawa ng Death Benefit Assistance na nagkakahalaga ng P2,000 sa pinakamalapit na kamag-anak ng namatay na senior citizen.

Ito ay alinsunod sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Ayon kay Wilma Geralla, focal person ng DSWD-Caraga, ang joint Memorandum Circular No. 1 na ipinalabas noong Enero 13, 2012 na nilagdaan naman ni Secretary Corazon Juliano-Soliman ng DSWD at Secretary Jesse M. Robredo ng DILG ay naglalayong i-implementa ang istriktong gabay para sa death benefit assistance na ibibigay sa pinakamalapit na kamag-anak ng namatay.

“Ang joint Memorandum Circular na ito ay maaaring ma-apply sa lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa, at mangunguna sa lahat ng death benefit assistance ng lahat ng mga nabubuhay na legal na asawa ng namatay. Kung namayapa na ang legal na asawa, ang death benefit assistance ay mapupunta sa pinakamalapit na kamag-anak ng namatay alinsunod sa order of degree of kinship: anak; mga magulang; mga anak; mga apo; at tiyo at tiya,” ani Geralla.

Kung wala na rin ang mga nabanggit, ang mga tao na nag-alaga at nagbigay ng kalinga sa namayapang senior citizen at may patunay ng city o municipal social welfare and development officer (C/M SWDO), kahit hindi kamag-anak, ang pagbibigyan ng death benefit assistance.

Idinagdag din ni Geralla na kailangang ipagbigay alam kaagad ng legal na asawa o kahit ang pinakamalapit na kamag-anak sa tanggapan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ang pakamatay ng senior citizen.

Ang OSCA, sa pamamagitan ng C/M SWDO, ay kailangan na may kopya ng talaan ng mga namatay na senior citizens. Kailangan din ng OSCA ang isang photocopy ng death certificate ng namatay na senior citizen.

Samantala, ang orihinal at certiftied true copy ng mga dokumento ay kinakailangan na maipakita ng kamag-anak ng namatay upang mabigyan ng death benefit assistance. Napag-alaman na ang mga sumusunod ay ang mga kailangang ipakita: 1) kopya ng death certificate ng namatay na indigent senior citizen; 2) kahit anong government ID, gaya ng postal ID, driver's license, GSIS o SSS; 3) senior citizens ID at; 4) certification galing sa barangay.

Hinihikayat ng DWSD at ng DILG ang publiko na bumisita sa kanilang tanggapan para sa karagdagang detalye. (RER/DSM/PIA 13-Caraga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters