Tagalog news: Local na pamahalaan ng Butuan naghahanda para sa Nat’l Literacy Awards evaluation

By Danilo S. Makiling

Friday 6th of July 2012
BUTUAN CITY, Hulyo 6 (PIA) -- Ang lokal na pamahalaan ng Butuan ay naghahanda para sa gagawing evaluation sa National Literacy Awards.

Ayon kay Mayor Ferdinand Amante Jr., ang lokal na pamahalaan ng syudad ay nagbigay ng kautusan sa mga kawani nito upang maghanda para sa kinakailangang dokyumentasyon para sa evaluation kung saan darating ang mga national evaluators sa susunod na linggo dito.

Aniya, ang pamahalaan ng syudad ay napiling nominee sa ilalim ng Oustanding Local Government Units award category.

Ang parangal na ito ay ibibigay sa syudad at munisipalidad na nagawa ng palisiya, programa, at mga proyekto na naaayon sa literacy development at may positibong tugon sa kanilang mga barangay at sa dekalidad na pamumuhay ng mga tao.

Ang mga nominado ay i-evaluate ayon sa mga sumusunod na kriterya: rationale of the program, implementation of program and project management, management and leadership, at program/project impact.

Sa pagpapa-implementa ng program at project management, kinakailangan na mayroong kahit dalawang literacy programs/projects na naisagawa ng nominadong LGU. Ang programa at proyekto ng ibang ahensya ay kailangan na kaagapay ng ibang lokal na pamahalaan.

Sinabi din ni Amante na ang mga evaluators ay susuri-in din ang programa at proyekto at kung paano ito namonitor at na-evaluate.

Kung management at leadership ang pag-uusapan, ani Amante ang mga nominado ay kailangan na naka-implementa na ng advocacy at social mobilization schemes, budget and financial statement, at kailangan din na may maayos na database management.

Sa pamamagitan ng leadership qualities criteria, ang local chief executive at ang mga opisyal ay dadaan din sa isang evaluation ayon sa kanilang competence at ability sa pagbibigay ng clear direction, interpersonal relations and teambuilding capacity, ability to make critical judgment and decisions, presence of a working board, financial system and participatory decision-making.

Dahil dito, si Amante ay umaasa na ang pamahalaang syudad ay makakapasuk sa kriterya na inihanda ng national committee at mananalo sa nasabing kategorya. (RER/DSM, PIA-Caraga)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters