Tagalog Feature: Mga tips para sa anak na pihikan sa pagkain
Kalimitang maririnig sa mga bata ang “ayaw kong kumain” o “ayaw ko ng pagkain”.
Kung kaya kalimitang tanong ng mga magulang ay: “Paano mahihikayat ang mga bata na kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain lalo na ng gulay at prutas”?
Bilang magulang, dapat maintindihan na ang pagiging pihikan ng mga bata sa pagkain ay normal lang, sa dahilan na ang kanilang panlasa ay kaiba sa mga matatanda.
Ang mga bata ay sensitibo sa kulay, lasa, texture, laki ng dulot ng temperatura ng pagkain.
Narito ang maaaring gawin upang mahikayat ang mga bata na kumain ng sapat:
• Ang kaugalian sa pagkain o food habits ay kailangang mahubog habang bata pa. Dapat matuto ang mga bata na kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain habang bata pa sila. Bilang magulang dapat maging halimbawa o modelo ng kaugalian sa pagkain. Tandaan natin na ang mga bata ay great imitator o magaling manggaya;
• Limitahan ang pagbibigay ng merienda. Siguraduhin na malayo sa oras ng main meals ang merienda;
• Huwag pilitin ang bata na kumain. Magiging dahilan lang ito ng lalong pag-ayaw sa pagkain;
• Huwag gamitin ang pagkain na premyo o parusa sa bata. Ang pagkain ay kailangan para sa malusog na pangangatawan at ito ang dapat nating ipaunawa sa kanila; at
• Maging artistic sa paghahanda ng pagkain upang mahikayat ang bata na kumain. Gumamit ng ibat-ibang hugis at kulay kapag naghahanda ng pagkain.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay: Dr. Mario V. Capanzana, Director, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City; Telephone/Fax Nos.: 837-2934 or 837-3164; Direct Line: 839-1839; DOST Trunk Line: 837-2071 to 82 local 2296 or 2284; e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph. . (NCLM/Ma. Idelia G. Glorioso/FNRI-DOST S & T Media Service/PIA-Caraga)
Number of Comments: 0