Tagalog news: Aquino pangungunahan ang paglunsad ng 2 key medical benefits

By Danilo S. Makiling

Monday 2nd of July 2012
BUTUAN CITY, Hulyo 2 (PIA) -- Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang paglulunsad ngayon sa Malacañang ng dalawang medikal na programa na tutugon sa pangunahing pangangailangan sa benepisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.

Ang Pangulo, kasama ni kalihim Enrique Ona ng Department of Health (DOH), ay nanguna sa paglulunsad ng DOH "rota virus vaccine campaign" at ang Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) Type Z Benefit Package.

Ang "rota virus vaccination campaign" ay unang naisagawa kasabay ng 13th Asian Conference on Diarrheal Diseases and Nutrition noong nakaraang Enero nitong taon.

Ang kampanya ay inisyal na benepisyo sa mahigit 700,000 na mga bagong panganak galing sa 5.2 milyon na mahihirap na pamilya (poorest of the poor) na kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng National Household Targeting System (NHTS).

Ang rota virus na sanhi ng malubhang diarrhea ay kadalasang tumatama sa mga kabataan na may edad lima pataas. Ito ay pumapangalawa sa nangungunang pagkakamatay ng mga kabataang Pilipino na nasa edad lima, na mabibilang sa mahigit 3,500 ang namamatay kada taon.

Ayon kay Ona, ang DOH ay magsisimula sa kanilang kampanya sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga kabataan ng bawat pamilya na ipapanganak sa Abril 2012 hanggang Abril 2013.

Ang Type Z Benefits Package naman ng PhilHealth ay isang benepisyong package para sa mga biktima ng cancer, na pinaulad ng sub-specialties ng oncology ng breast cancer, prostate cancer, acute lymphocytic leukemia ng mga kabataan, at kidney transplant, na dumalo sa Oncology Summit 2012.

Ang "special health program" ay layuning mabigay sa mga biktimang nagdudusa sa Type Z illnesses kung saan ayon sa PhilHealth ay kahit sa anong sakit na nangangailangan ng matagalan at mahal na gamutan, o kahit sa anong health care kung saan ay kakapusin ang pondo ng pamilya sa pagpapagamot.

Ito ay magiging abot-kamay sa lahat ng legal na miyembro ng PhilHealth. (RER/DSM-PIA 13 Caraga)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters