Lathalain: Kamote, mainam na pampababa ng cholesterol
Mahilig ba kayong kumain ng kamote?
Alam ba ninyo na bukod sa sustansyang taglay ng kamote ay mainam din ito na pampababa ng kolesterol?
Sa ginawang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) sa anim na lamang-ugat tulad ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi, ube at tugi, ang kamote at kamoteng kahoy ay may mahalagang epekto sa total blood cholesterol levels.
Ang kamote ay isa sa malimit itanim dito sa Pilipinas dahil ito ay tinuturing na isa rin sa mga pagkain o staple food gaya ng kanin at tinapay.
Ang kamote ay mayaman sa carbohydrates at carotene (katumbas ng bitamina A) depende sa kulay nito.
Ang dilaw na kamote ay mayaman sa carotene kumpara sa puti at lila na uri. Samantala ang puting uri ng kamote ay mas mayaman sa kalsyum kaysa dilaw na uri.
Mas mataas din ang taglay na iron at bitamina C ang puting kamote kaysa dilaw na uri.
Ang lilang kamote ay may pinakamataas na taglay na bitamina kaysa sa dilaw at puti na uri.
Nakasaad sa Gabay para sa Wastong Nutrisyon ng mga Pilipino na kumain na mas maraming gulay, prutas at lamang-ugat.
Laging tandaan na ang kamote ay di lamang masustansya ngunit mura din ito.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay: Dr. Mario V. Capanzana, Director, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City; Telephone/Fax Nos.: 837-2934 or 837-3164; Direct Line: 839-1839; DOST Trunk Line: 837-2071 to 82 local 2296 or 2284; e-mail: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph. . (NCLM/Ma. Idelia G. Glorioso/FNRI-DOST S & T Media Service/PIA-Caraga)
Number of Comments: 0