Tagalog news: DAR-Caraga ipinagdiwang ang 24th CARP Anniversary

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 18 (PIA) -- Sa pangunguna ni DAR-Caraga regional director Faisar Mambuay, ipinagdiwang ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang ika-24 na anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Isa sa mga aktibidad ng selebrasyon ay ang Media Fusion na ginanap sa Prince Hotel na dinaluhan naman ng mga Provincial Agrarian Reform Officers (PAROs) ng rehiyon, at ng lokal na tri-media ng siyudad.

Ginunita ni Mambuay ang pag-pirma ni dating Pangulong Corazon C. Aquino sa Comprehensive Agrarian Reform Law na kung saan ay naging pundasyon ng kaniyang centerpiece social justice program ang CARP na saktong 24 taon na ang nakakaraan.

“Ang 24 na taon ng CARP sa Pilipinas ay naging mataas na pakikibaka para sa ibat-ibang aktibidad na sumasaloob sa hirap at tagumpay na nagdala sa CARP kung saan man ito ngayon,” aniya.

Nilinaw din ni Mambuay na ang Caraga ay isa sa mga rehiyong nagdala ng tagumpay sa CARP sa lahat ng sangay nito na: Land tenure improvement, program beneficiaries development at agrarian justice delivery.

Napag-alaman din na sa pagtatapos ng taong 2011 ang DAR ay nakapamigay ng 8,635 ektarya na lupa sa 5,139 na mga magsasaka. Ang tagumpay ng DAR ay sumasaloob sa pataas na total na umabot sa 235,752 ektarya kasama ng 112,292 na magsasaka o 90 porsyento sa pandaigdigang target ng rehiyon.

Sinabi rin ng opisyal na sila ay nagpapakilala ng isang panibagong pamamaraan ng kaunlaran para sa mga benepisyaryo ng agrarian reform community connectivity and economic services sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapasidad ng organisasyon ng mga benepisyaryo ng agrarian reform upang pagsamahin ang produksyon, post harvest, processing, at marketing activities ng bawat miyembro nito.

Samantala, ibinahagi naman ni Ms. Mary Lou Ravelo Antigro, isa sa mga DAR-Caraga scholars sa ilalim ng ‘Programang Agraryo Iskolar’ ang kaniyang karanasan sa implementasyon ng nasabing programa sa rehiyon kung saan siya sy isa sa mga naging benepisyaryo.

Nilinaw nito na kahit pa man sa kakulangan ng pinansyal, siya ay nakatapos sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa programa kung saan lahat ng kaniyang mga pangarap ay natupad lalo na’t siya ay nagtatrabaho na sa isa sa mga paaralan sa Surigao del Norte.

Dahil dito, umaasa si Mambuay na patuloy pa ang maayos na pagsasama ng benepisyaryo ng programa, kasamahan sa pamahalaan at ang local na tri-media upang mas lalong maging matagumpay ang nasabing programa ng pamahalaan. (RER/Danilo S. Makiling, PIA-Caraga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters