Tagalog News: Basura sa Butuan City kumonti, ayon sa DILG

BUTUAN CITY, Hunyo 8 (PIA) -- Kumonti ang dami ng basura na nakokolekta sa siyudad ng Butuan ayon kay City Director Romeo Solis ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Dir. Solis na ito'y dahil sa matagumpay na kampanya ng lokal na pamahalaan, lalo na sa implementasyon ng solid waste management system, sa pamamagitan ng “Clean Ground, Zero Waste" program ng administrasyon ni Mayor Ferdinand Amante Jr.

Kabilang sa programa ang regular na pagkolekta ng basura ng lokal na pamahalaan sa lahat ng barangay, kung saan ang mga residente ay inaabisuhan na paghihiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura.

Sinabi rin ni Solis na ang proyekto ay nakakuha ng suporta sa mga barangay kung saan ang mga barangay health workers ay tumulong sa adbokasiyang ito.

Maliban sa mga barangay health workers, tumulong din ang mga day care workers sa paghahatid ng impormasyon sa mga magulang at mga estudyante kaugnay ng proyekto.

Idinagdag din ni Solis na ang pamahalaang lokal ay nag-organisa ng Barangay Ecological Solid Waste Committee upang magmonitor ng aktibidad na ginagawa ng bawat barangay para sa implementasyon ng nasabing programa.

Matatandaang inilunsad ng pamahalaang lokal ang Clean Ground, Zero Waste Program noong Setiyembre 11, 2011, kasabay sa pagdiriwang ng ika-10 taong anibersaryo ng 9-11 terror attack sa World Trade Center, USA, na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 3,000 katao.

Ang programa ay inisyatibo upang isagawa ang social transformation processes sa mga residente upang maipahayag ang tamang pagbubukod at paglilinis ng kapaligiran at pagpalit ng basura sa pera.

Ito rin ay nagsasagawa ng malawakang pagbabago sa mga basura na maaaring gawing organic fertilizers.

Ang programa sinusuportahan ng lahat ng ahensya ng gobyerno na nakabase dito sa syudad sa pangunguna ng National Economic Development Authority bilang Secretariat ng Regional Development Council sa Caraga. (RER/Danilo S. Makiling-PIA Caraga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters