Tagalog news: PhilHealth-Caraga susuporta sa animal bite treatment package

BUTUAN CITY, Hunyo 2 (PIA) -– Buong lakas na sumusuporta ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng Caraga sa animal treatment package na inilunsad kamakailan ng ahensya sa sentral na tanggapan.

Sinabi ni Parly Buyan, PhilHealth-Caraga regional information officer, sa ilalim ng rabies prevention and control program, sila ay handang magbigay tulong medikal sa mga miyembro ng PhilHealth na nakagat ng hayop kagaya ng aso, pusa, unggoy, alupihan, at iba pang makamandag na hayop.

Maliban pa rito, sinabi ni Buyan na ang PhilHealth ay handang magbigay ng anti-rabies vaccine sa mga miyembro sa pakikipag-koordinasyon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos na napag-alaman ng PhilHealth na marami silang miyembro na namatay dahil nakagat ng makamandag na hayop. Dahil dito, sinabi niya na mahalaga na ang PhilHealth ay magkabigay ng tulong sa kanilang mga miyembro.

Ang PhilHealth sa pamamagitan ng Board Resolution No. 1585, series of 2012, na magbibigay ng animal bite treatment package para sa lahat ng kwalipikadong benepisaryo. Ang benepisyong ito ay layuning sumuporta sa National Rabies Prevention and Control Program sa pamamagitan ng pagbabayad sa gastos ng post-exposure prophylaxis (PEP) na gamot sa pasyente na nakagat ng hayop na benepisaryo naman ng PhilHealth.

Sa pagpapatuloy sa Section 38 ng Republic Act 7875 at binago ng Republic Act 9241, na naglalahad na ang korporasyon ay kailangang magpatuloy sa kanilang pagsisikap na mapaunlad ang benefit package upang matugunan ang pangangailangan ng mga miyembro nito.
Sa pamamagitan ng Republic Act 9482, o kilala bilang Anti-Rabies Act of 2007, ang DOH, sa pamamagitan ng Administrative Order Nos. 2007-0029 AT 2009-0027, ay magbibigay ng binago na patnubay sa management of animal bite patients and amendment. Para mabalansi ang inisyatibo ang PhilHealth ay magbibigay sa package.

Para sa layuning makakuha ng sa nasabing package, ang nananatiling management of animal bite patients ay rekomendado ng DOH at kailangan gamitin bilang batayan para sa klasipikasyon at probisyon ng serbesyo.

Ang package ay P3,000 kada kaso at bumubuo sa gastos na nagbibigay ng Post-Exposure Prophylaxis (PEP) na serbesyo. Ang sumusunod ay ang reimbursable PEP service items: 1) Rabies vaccine; 2) Rabies Immune Globulin (RIG); 3) Human Rabies Immune Globulin (HRIG) at; 4) Purified Equine Rabies Immune Globulin (pERIG).

Ang ibang PEP service items ay bumubuo sa local wound care, Tetanus toxoid at anti-tetanus serum (ATS), antibiotics, at supplies kagaya ng, but not limited to, syringes, cotton, alcohol at iba pang antiseptics.

Mabilan sa kagat ng aso, ang taong nakagat ng ibang domestikong hayop (Cats) at livestock (cow, pigs, horses, goats) pati na ang mga wild na hayop (bats, monkey) ay maaring kasali rin.

Nilinaw din ng PhilHealth na hindi kasama sa package ang 1) Pre-exposure Prophylaxis, 2) Inpatient cases of animal bites and rabies, which shall be reimbursed through inpatient benefit, 3) Category I rabies exposure and category II exposure not involving the head and neck, 4) Bites by rodents, guinea pigs and rabbits, 5) Management of adverse reactions,at iba pa na hindi na nabanggit sa taas.

Dahil dito, ang PhilHealth ay ipinapaalam na ang qualipikadong miyembro ay kailangan sumangguni sa pinaka malapit na regional, syudad o provincial na tanggapan para sa karagdagang detalye. Sa rehiyong Caraga, ang regional na tanggapan ay matatagpuan sa Lynzee’s Bldg., J. Rosales Avenue, Butuan City na may telephone numbers na (085) 342-6992, 341-6404. (RER/Danilo S. Makiling/PIA-Caraga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters