Tagalog news: Environmental bureau, kinumpirmang maraming establismiyento ang nabigyan ng compliance certificates
BUTUAN CITY, Hunyo 1 (PIA) –- Kinumpirma ng Environmental Management Bureau (EMB) kamakailan lang na maraming establisimiyento sa rehiyon ang nabigyan na ng Environmental Compliance Certificates (ECC).
Bagama't, sinabi ni EMB Caraga Regional Director Engr. Esther Olavides na nagpalabas din ng isang notice of violation ang kanilang tanggapan sa ilang establismiyento na lumabag sa mga kundisyong nakasaad sa ECC.
Ayon sa Philippine Environmental Impact Statement System, ang ECC ay isang patunay ng Environmental Compliance Commitment na kung saan ang mga nasasailalim dito ay kailangan sumunod.
Ito ay isang dokumento na inilabas ng DENR-EMB matapos ang isang positibong review ng ECC application, na nagpapatunay na ang mga sumasailalim dito ay sumunod sa lahat ng mga alintuntunin ng EIS System at nagpapatuloy sa pag-implementa ng naaprobahang Environmental Management Plan.
Ang ECC din ay nagbibigay ng gabay sa ibang ahensya at sa mga LGUs sa EIA findings at rekomendasyon na kinakailangang ikonsidera ng kanilang sariling proseso ng paggawa ng desisyon.
Ang ECC ay mayroong kaukulang sukat at kundisyon na ang mga sumasailalim dito ay kailangan mag-umpisa bago o habang sinasagawa ang operasyon ng proyekto, at sa ibang kaso naman ay habang sa antas ng pag-aabandon upang paikliin ang napag-alamang environmental impacts.
Sa pangkalahatan, ang sumusunod ay ang mga napag-alamang tampok ng ECC: 1) Scope of project or undertaking; 2) Conditions conformed with by the Proponent to implement the mitigation measures for potentially negative impacts and/or enhancement measures for potentially positive impacts as identified in the EIA Report; and 3) Suggestions or recommendations to assist LGUs and other agencies of the government to incorporate the EIA Results in their decision-making process. (RER/Danilo S. Makiling/PIA-Caraga)
Number of Comments: 0