Tagalog news: South Cotabato muli na namang nakakaranas ng brownout

By Danilo E. Doguiles

Thursday 9th of August 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Agosto 8 (PIA) -- Simula nitong Lunes, Agosto 6, muli na namang nakararanas ang malaking bahagi ng South Cotabato ng tig-dalawang oras na brownout.

Sinabi ni South Cotabato 1 Electric Cooperative (SOCOTECO 1) General Manager Santiago Tudio, maaring magtatagal pa ang nararanasang brownout. Pinaghahanda rin niya ang mga miyembro na maaring magmahal ang singil sa kuryente.

Ginawa aniyang rason ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagbawas ng load ng SOCOTECO 1 ang kakulangan ng suplay ng kuryente mula mga hydropower plant sa Bukidnon at Lanao.

Nakasaad sa website ng NGCP, kahapon na nasa 270 megawatts na ang kakulangan sa suplay ng kuryente sa Mindanao Grid.

Ani Tudio, hangga’t may pagkukulang sa suplay ng kuryente mula sa mga hydropower plants magtutuluy-tuloy ang nararanasang brownout.

Dahil kailangang bumili ng SOCOTECO 1 ng karagdagang suplay ng kuryente mula sa mga diesel-powered plants, maasahan din ang mas mahal na bayarin sa kuryente.

Muli namang nanawagan si Tudio sa mga komomunsumo ng kuryente na tumulong sa pagtitipid nito upang maiwasan na aabot sa tatlo hanggang apat na oras ang brownout. (DEDoguiles/PIA 12)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters