Tagalog news: 349 na pulis dineploy sa buong Soccsksargen Region

By Danilo E. Doguiles

Wednesday 8th of August 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Agosto 8 (PIA) -- Umabot sa 349 na mga pulis mula sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) 12 at mga maneuver companies nito ang dineploy nitong Lunes, Agosto sa kanilang permanenteng assignment sa iba’t ibang police station sa buong Rehiyon.

Ito ayon kay PSInsp. Benjamin Mauricio Jr., pinuno ng Regional Public Information Office ng PNP 12 ay bilang tugon ni PNP 12 Regional Director PCSupt. Alex Paul Monteagudo, sa kakulangan ng mga pulis sa bawat istasyon ng pulis sa rehiyon.

Pinakamarami ang naitalaga sa North Cotabato Police Provincial Officer na may 106 na bagong pulis.

Animnapu’t walo naman ang itinalaga sa South Cotabato, 54 sa General Santos City, 51 sa Sarangani, 50 sa Sultan Kudarat at 20 sa Cotabato City.

Sa send-off ceremony, sinabi ni General Monteagudo na panahon na para bayaran ng mga pulis ng kanilang pinakamagaling na serbisyo ang kani-kanilang munisipyo na sumuporta para sila ay maging pulis.

Maliban sa pagpaparami sa bilang ng mga pulis sa bawat istasyon, ayon kay Monteagudo, layon di nito ang pagpapaunlad ng kompyansa at tiwala ng mga mamamayan sa mga pulis. (DEDoguiles/PIA 12)
Tags:   [ pnp 12 ][ soccsksargen region ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters