Tagalog news: Mga I-Rice advocacy team binuo ng NFA

By Danilo E. Doguiles

Friday 20th of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Hunyo 20 (PIA) -- Binuo kamakailan ng National Food Authority (NFA)- South Cotabato ang mga advocacy team na tutulong sa kanila sa pagpapalawak ng impormasyon hinggil dito.

Ito ay sa layong mahikayat ang mas maraming mamamayan na kumain ng iron-fortified rice o I-Rice.

Ayon kay NFA South Cotabato Manager Avelino Usman, simula noong Mayo 28 hanggang Hulyo 16, pinulong nila ang mga day care workers sa iba’t ibang munisipyo at lungsod sa buong South Cotabato upang pag-usapan ang kahalagahan ng pagkain ng bigas na may halong iron.

Mula sa kanila, binuo ang mga advocacy team na siya namang naatasang magsasagawa ng kampanya sa kani-kanilang nasasakupan.

Sentro ng kanilang mensahe na makatutulong ang I-Rice para malabanan ang sakit na anemia o kakulangan sa dugo lalung lalo na sa kabataan, mga buntis at nagpapasusong mga nanay.

Ang iron deficiency anemia ang kalimitang dahilan ng panghihina, pakiramdam na palaging pagod at pamumutla. Nagreresulta rin ito sa mapurol na pag-iisip at kakulangan sa karunungan.

Ang mga anak ng mga inang may iron deficiency anemia ay madalas kulang sa timbang at sakitin

Siniguro ni NFA South Cotabato Assistant Manager Angelina Lucena, na siya ring overall coordinator sa I-Rice advocacy team na may sapat na suplay ng iron premix na magagamit sakaling kakailanganin ng mga konsumidor, mga lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development at iba ang mga ahensya ng pamahalaan. (DEDoguiles-PIA 12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters