Tagalog News: 13th T’nalak Festival sa South Cotabato nagsimula na

By Danilo E. Doguiles

Friday 13th of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Hulyo 13 (PIA) -- Pormal nang binuksan ang 13th T’nalak Festival and 46th Foundation Anniversary sa lalawigan sa South Cotabato .

Kaugnay dito, inanyayahan ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. ang lahat na makisaya sa pagdiriwang ng kasaganaan, magagandang tanawin, at kapayapaan sa South Cotabato.

Kaninang umaga binuksan na ang Bahay Kubo competition ng mga mga munisipyo at lungsod sa harap ng kapitolyo na tampok ang kani-kanilang kultura at mga ipinagmamalaking produkto.

Bukas na rin ang “Halamanan sa Timog Kutabato” agri-fair and plants exhibit na mahigit 90 exhibitors mula sa South Cotabato, ibang bahagi ng Soccsksargen, at ilang probinsya sa Mindanao ang nagpapabili ng mga tanim tulad ng orchids, ornamental palms, at marami pang iba.

Nagsimula na rin ang Regional Industrial, Technology and Trade Expo sa loob ng Gaisanao Grand Mall.

Alas-singko ng hapon, opisyal na sisimulan ang mga programa ng T’nalak festival sa pamamagitan ng isang Eucharistic celebration na pangunguna ni Bishop Dinualdo Gutierrez.

Susundan ito ng fun-run na nagsimula ng 6:30 ng gabi at susundan naman ng pagpapalipad ng mga lantern, gay-pride parade ang 1st Ugyon Festival, at libreng open-air concert ng grupong Rocksteddy.

Kabilang sa mahahalagang event sa T’nalak Festival ang sumusunod: motocross sa bayan sa Surallah ng Sabado at Linggo; concert ni Vice Ganda ng Linggo; job fair ng Lunes; Mutya sa South Cotabato na pinakatampok ang mga gawang gown ng mga lokal na designer gamit ang t’nalak cloth ng Lunes; at Retro ball na tampok si Jed Madela ng Balikbayan Night with Gov. Pingoy ng Martes.

Ang huling araw ng selebrasyon sa Hulyo 18 ay sisimulaan sa T’nalak Festival Parade na tampok ang tatlong streetdancing competition, kabilang ang Medal Be’lan ng mga lumad, Kadsagayan a Lalan ng mga Muslim at Kasadyahan sa Kapataganng mga Kristiyano.

Panauhing pandangal ng culmination program si TESDA Secretary Joel Villanueva.

Magtatapos ang selebrasyon sa isang Disco sa Kalye sa mga kalsada ng Koronadal at isang grand fireworks display na tinatawag na Luces in the Sky. (DEDoguiles/PIA 12)



Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters