Tagalog News: Pag-iingat sa tumataas na kaso ng nakawan ng alagang hayop, pinananawagan

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 16 (PIA) -- Nananawagan si South Cotabato Police Provincial Director P/SSupt. Randolf Delfin sa mga residente ng South Cotabato na mag-ingat at maging alerto dahil sa nauuso na naman ang nakawan ng mga alagang hayop sa iba't ibang bahagi ng lalawigan.

Partikular na pinag-iingat ni Delfin ang mga nakatira sa mga liblib na barangay kung saan kalimitang nangyayari ang nakawan.

Payo pa ng opisyal sa mga nagmamay-ari ng mga hayop tulad ng kalabaw at baka na pag-igihan ang pagbabantay ng kani-kanilang mga alaga dahil hindi sa lahat ng oras at lugar maaaring magbantay ang mga pulis pati na ang kanilang mga “force multipliers.”

Pinaalala rin niya ang pagmamanman sa mga kahina-hinalang mga personalidad sa kanilang lugar upang maiulat ito sa mga pulis at otoridad.

Siniguro naman nito na ginagawa ng kapulisan ang lahat upang madakip ang mga maysala at mapigilan ang mas lalung paglala ng sitwasyon subalit sadyang kulang ang kanilang bilang para dito.

Hiniling din niya ang tulong sa media na paalalahanan ang mga mamamayan sa pagbabantay ng kanilang mga alagang hayop at sa paghuli ng mga magnanakaw. (DEDoguiles/PIA 12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters