Tagalog News: Anti-drug action planning ng PNP sa South Cotabato , matagumpay

By Danilo E. Doguiles

Sunday 13th of May 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 13 (PIA) -- Naging matagumpay ang isinagawang action planning ng labing-isang city at municipal police station ng South Cotabato noong Biyernes, Mayo 11, ayon kay Eduardo Siason, permanent representative ng gobernador sa Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC).

Paliwanag ni Siason na kinailangan nilang ilipat sa mas malaking venue ang planning workshop habang sinisumulan ito dahil umabot sa mahigit 65 ang dumating na kalahok sa halip na 35 hanggang 60 na una nilang inasahan.

Sa naturang planning workshop inilatag ng mga hepe ng kapulisan at ng PDEA ang kanilang mga plano laban sa iligal na droga sa kanilang nasasakupan mula Hunyo hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Sa tulong ng mga senior staff ng South Cotabato Police Provincial Office sa pangunguna nina deputy police director for administration P/Supt. Jose Calimutan at deputy police director for operations P/Supt. Joel Limson at iba pang opisyal naisaayos din ang action plan ng bawat PNP station.

Umaasa si Siason na dahil dito, mas mapapaigting pa ang operasyon ng kapulisan laban sa iligal na droga at mga drug pusher pati na rin sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga residente sa negatibong epektibo ng iligal na droga.

Samantala, nalaman sa naturang workshop na nananatiling kakulangan sa pondo sa ang pangunahing suliranin sa pagpapatupad ng mga programa laban sa iligal na droga.

Ani Siason, iilang bayan sa lalawigan ang naglaan ng mula P10,000 hanggang P15,000 lamang para sa anti-drug program at hindi pa rin tumatalima sa mga panuntunan ng Memorandum Circular No. 2009 – 09 na nag-uutos sa mga LGU na maglaan ng hiwalay at sapat na pondo para programa laban sa iligal na droga.

Batay na rin ito sa Section 51 hanggang 53 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nag-aatas sa mga LGU na maglaan ng pondo sa kanilang Local Annual Budget.

Gayunman, umaasa si Siason, na maipatutupad pa rin ng mga kapulisan ang kanilang mga programa.

Kamakailan, dinagdagan ng P500,000 ang pondo ng PADAC kasabay ng pag-apruba ang Sangguniang Panlalawigan ng unang supplemental budget ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. (DEDoguiles/PIA 12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters