Tagalog News: RTWPB 12 nilinaw ang paghati sa COLA sa dalawang tranches

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 4 (PIA) -- Isinaalang-alang ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board 12 (RTWPB) ang kakayahan ng mga kompanya sa kanilang desisyon na hatiin sa dalawang bahagi ang pagbibigay ng karagdagang arawang cost of living allowance (COLA) sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Rehiyon Dose.

Base sa Wage Order No. 17, maliban sa pagpasok ng dating COLA na P15 sa “basic salary” ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Soccsksargen Region o Rehiyon 12, iniuutos din ang P10 hanggang P14 COLA.

Maliban sa non-agriculture sector kung saan ibinigay ang buong P10 COLA simula noong Abril 18, ang COLA ng ibang sektor ay hahatiin sa dalawa. Ang unang P6 hanggang P8 COLA ay ibinibigay simula noong Abril 18 samantalang karagdagang P4 hanggang P6 ay matatanggap simula sa Disyembre 1 ng taong kasalukuyan.

Paliwanag ni RTWPB 12 Board Secretry Jessie dela Cruz, hinati ito sa dalawa upang hindi mabigla ang mga kompanya at mabigyan sila ang pagkakataon na maghanda sa madadagdag sa kanilang obligasyon sa arawang sahod ng kanilang mga trabahante.

Ipinaliwanag din ni dela Cruz na hindi lang ang DOLE 12 ang nagtatakda ng karagdagan sa sahod. Aniya katuwang ng DOLE sa RTWPB ang mga kinatawan ng mga manggagawa at mga managers sa pagtalakay, pagdesisyon at pagtakda ng karagdagang sahod.

Kinatawan ng mga manggagawa sa RTWPB 12 sina Simplicio Villarta Jr. ng Federation of Free Workers at Jomarie Angeles ng ALO-TUCP. Kinatawan naman ng management sector sina Atty. Eugenio Soyao at Warren Gregorio Manilay.

Si DOLE 12 Regional Director Chona Mantilla ang chairman ng RTWPB 12. (DEDoguiles/PIA 12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters