Tagalog news: Mga mangingisda sa Midsayap,N Cotabato tatanggap ng fingerlings
LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 1 (PIA) -- Abot sa 40 na mangingisda sa liblib na barangay sa Midsayap, North Cotabato ang nakatakdang tatanggap ng tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nakatakdang gawin ang pamamahagi ng fingerlings sa Barangay Olandang sa susunod na mga araw. Pangungunahan ang fingerlings distribution ng tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan kasama ang kinatawan ng BFAR at mga lokal na opisyal.
Libreng ibibigay ang mga tilapia fingerlings na inaasahang makatutulong sa pagsisimula ng kabuhayan ng mga benepisyaryo sa lugar.
Pormal ding i-turn-over sa mga benipisyaryo ang siyam na unit ng fish pond upang doon nila alagaan at paramihin ang ipamamahaging tilapia fingerlings.
Ayon sa pahayag ni Congresional District Office Staff Dominador Aspacio, ginawa ang mga fish pond units sa pamamagitan ng Food-for-Work program ng DSWD at opisina ni Cong. Sacdalan.
Dagdag ni Aspacio, nagsagawa na rin ang BFAR lecture para mga benepisyaryo nitong nakalipas na buwan upang masiguro na handa sila sa implementasyon ng proyekto.
Ang Barangay Olandang ay matatagpuan malapit sa Rio Grande de Mindanao at Liguasan Marsh.
Isa rin ito sa mga barangay na naging conflict affected area at nakaranas ng sunod- sunod na kalamidad sa mga nakaraang taon. (DED -PIA 12/Roderick Bautista-1st District NCot Congressional Office)
Number of Comments: 0