Philippine
Information
Agency

www.PIA.gov.ph

 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
President Gloria Macapagal-Arroyo
   Manila, Wednesday, 10 February 2010 146024963 visitors since Sept2003 Google Web PIA  
 << February 2010 >> 
S M T W T F S
01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28
News Tasks Menu:
Headlines . News Reader . Archive . Malacanang Photos
Special News Editions:
Regional News Sections
Tagalog.Cebuano.Ilocano
WarayWaray.Hiligaynon
Chavacano.Pangasinan
Opinions | Issues Monitor
PIA Specials:
NEW! Job Announcements
PIA Slideshows
Special Releases
Advertisements
Event of the Month
Site Visitors Statistics:
Today: 32172
Yesterday: 154933
This Month: 1548136
See details: Visitors Count
Sections:
ASEAN . ICT . Photos
PIA Daily News Reader

PIA Press Release
2009/03/24

Tagalog News: Panawagan ng OMPBC sa mga lokal na pamahalaan: Magsagawa ng kanya-kanyang mobile blood donation activities

Calapan City (24 March) -- Hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan ng magsagawa ng kani-kanilang mobile blood donation activities dahil awtomatikong hindi na kinakailangan pang palitan ng mga pasyente ang mga dugong naisasalin sa kanila kung nagsasagawa ng blood letting activities ang kani-kanilang pamahalaang bayan.

Ito ang binigyang-diin ni Bise-Gobernador Maria Estela Felipa M. Aceron, chairman ng Oriental Mindoro Provincial Blood Council (OMPBC), sa katatapos na pagpupulong ng konseho sa Kapitolyo kamakailan.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 250 bags ng dugo ang nagagamit sa Oriental Mindoro Provincial Hospital pa lamang buwan-buwan. Dalawang bags ng dugo ang kapalit ng bawat bag na naisasalin sa pasyente o pagbabayad ng pasyente ng P1,500 na screening fee ng dugo.

Ipinanukala naman ni Bokal Romeo Infantado, SP Committee chair on health, at isa sa mga myembro ng konseho, ang pag-aaral sa kung paanong maaaring mapondohan ng OMPBC ang screening fee na ibinabayad ng mga pasyente na hindi kayang palitan ang mga dugo na naisasalin sa kanila.

Kaugnay nito, 72 mamamayan ang naging blood donors sa magkakasunod na MBDs na isinagawa ng OMPBC sa PNP Suqui, Calapan noong ika-16 ng Marso kung saan 11 katao ang naging blood donors, sa DWCC noong ika-17 ng Marso na may 38 blood donors at sa bayan ng Baco noong ika-18 ng Marso na may 23 blood donors.

Inaaasahang sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mobile blood donation activities na ito, naisisiguro na laging may sapat na suplay ng kinakailangang dugo sa ospital sa lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Project REY recognizes scholars
»Barangay officials see kids' future in day care center
»Trainees grab cash prizes in Korean speech, singing contest
»LGUs, barangays enjoined to observe Earth Hour
»DOT sees bright prospects with low airfares
»On transport petition: LTO XI employs tolerance for minor violations
»REDCOP coordinators slate training in Zamboanga City
»Tagalog News: Konstruksyon ng bagong provincial hospital sa Oriental Mindoro, sisimulan na
»Tagalog News: Pagsasagawa ng suportang pang-imprastraktura para sa agrikultura, tuluy-tuloy
»Tagalog News: P100,000 proyektong pangkaunlaran hatid sa Bongabong at Gloria ni Gob. Arnan
|«  prev  next  »|
Official Philippine Government Portal | Office of the President | Office of the Press Secretary
For comments and feedback, please email the webmaster here or at this address
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines