Tagalog News: Mahahalagang programa at proyekto patuloy na tinututukan ng Sultan Kudarat
by Andrew Hornales
Koronadal City (4 August) -- Pinag-iibayo ng pamahalaan ng Sultan Kudarat ang pagpapatupad sa mga proyekto at programang naglalayong mapaunlad at mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan.
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang kontruksiyon ng President Diosdado Macapagal Sports Complex na kikilalaning isang panibagong "landmark" sa pamumuno ng kasalukuyang administrasyon.
Ipinangako sa isang public statement ni Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu, Al Haj ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura upang makapagbigay ng serbisyo hindi lamang sa mga lokal na mamamayan kundi pati na rin sa mga turistang bumabalik-balik sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Tiwala si Governor Teng na sa pamamagitan ng konstruksiyon ng mga vital infrastructure projects ay magkakaroon ng "convenience" sakaling pangunahan ang iba't ibang prominent competitions tulad ng Cotabato Regional Athletic Associations (CRAA), Palarong Pambansa at iba pang international activities.
Kabilang din sa mga "initiatives" na ipinupursige ng pamahalaang panlalawigan ang pamimigay ng scholarship sa mga "poor but deserving students," pag-activate ng mga NFA rice outlets, road improvements at massive construction ng mga pangunahing infrastructure projects tulad ng sports complex at executive hall.
Bilang bahagi ng development agenda ni Governor Teng na tinaguriang Serbisyong Tapat at Maaasahan (STM), ang naturang mga "initiatives" ay inaasahang magpapayabong sa lokal na ekonomiya, pagbubukas ng trabaho, at makapanghikayat ng mga investors na inaasahang magdadala ng pamumuhunan sa buong lalawigan ng Sultan Kudarat. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]