Tagalog News: Pag-aaral para sa white corn supply isinagawa sa Region 12
Koronadal City (9 July) -- Upang matulungan ang mga magsasaka na muling makabangon pagkatapos ng sunud-sunod na unos, gaya ng pagtaasan ng mga presyo ng pangunahing bilihin at langis ang at pagsalanta ng bagyong Frank sa mga pananim sa buong rehiyon, isang In-House Review on White Corn Production and Utilization ang isinagawa ng DA-12 Corn Program na dinaluhan ng mga Corn Coordinators, Provincial Agriculturist, at APCOs mula sa Bureau of Agriculture Statistics.
Ayon sa ulat sa Philippine Information Agency ng DA 12 na pinamumunuan ni director Abusama Alid, ang naturang review ay base na rin sa kautusan ni agriculture secretary Arthur Yap na pag-aralan ng mga espesyalista sa kagawaran ng agrikultura ang pagtatanim at paggamit ng puting mais, bilang alternatibo at tugon sa kakulangan ng bigas bilang staple food. Ito rin umano ay bahagi ng proposed rehabilitation program para sa corn subsector ng Pamahalaang Arroyo.
Sa nasabing pagtitipon, ipinakita ng mga agriculture specialists ng GMA Corn program, na malaki ang kikitain ng mga magsasakang magtatanim ng white corn sa ngayon dahil naibibennta na ito sa halagang P18.00 per kilo.
Mayroon na ring budget ang DA para sa white corn program upang makatulong sa mga magsasakang maitawid ang kahirapan at pagkagutom.
Ayon pa rin sa ulat, nakipag-ugnayan na rin ang DA 12 sa Philippine Coconut Authority, upang maisulong ang makabagong estratehiya ng pagtatanim ng white corn sa ilalim ng mga niyog. Ang region 12 ay mayroong target na 12,500 hectares para sa white corn na itatanim sa ilalim ng mga puno ng niyog. (DA12/ac agad PIA 12) [top]